Hinikayat ni Sen. Bong Go ang kanyang kapwa mambabatas at mga concerned government agencies na tiyaking mahigpit na sinusunod ng Manila Electric Co. (Meralco) at iba pang distribution utilities ang mga batas na may kinalaman sa energy distribution, consumption at collection.
Kasunod ito ng mga dumaraming reklamo ng mga consumers kaugnay ng hindi patas na electricity bills mula sa mga power distribution utilities gaya ng Meralco.
Kahapon nagsagawa ng public hearing ang Senate Committee on Energy kung saan sinabi ni Sen. Go na kung may pagkakamali ay aminin at itama agad.
“Siguraduhin po natin na naaayon sa batas ang patakarang sinusunod. At kung may mali, i-tama dapat nila sa lalong madaling panahon. Dapat gawan ng corrective measures o adjustments sa billing kaagad,” ani Sen. Go.
Ayon kay Sen. Go, dapat prayoridad ngayon ang kapakanan ng publiko imbes na ang kita sa negosyo.
Iginiit din ng mambabatas na hindi dapat kinukunsinti ng gobyerno ang anumang hindi patas na business practices lalo ngayong panahon ng pandemic.
“The government should not tolerate any unfair business practices at a time when people’s lives are at risk.”