-- Advertisements --

Namahagi ang team ni Senador Christopher “Bong” Go ng ayuda sa essential workers sa Calbayog City at Pinabacdao, Samar bilang bahagi commitment ng mambabatas na tulungang makabangon ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Nagsagawa ang team ni Go ng dalawang relief operations sa Barangay 1 covered vourt sa Pinabacdao at Joggers Covered Court sa Calbayog City.

Namahagi sila ng meals, masks, face shields at vitamins sa kabuuang 1,500 na benepisyaryo na binubuo ng transport workers at market vendors.

Namigay din sila ng mga bagong pares ng sapatos, computer tablets at bisikleta sa ilang manggagawa.

Bilang pinuno ng Senate Committee on Health and Demography, hinimok ni Go ang mga benepisyaryo na magpabakuna para sa kanilang proteksyon laban sa Coronavirus diseass 2019 (COVID-19).

Pinayuhan din nito ang publiko na ipagpatuloy ang pag-iingat, gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng masks at face shields kapag maraming tao, social distance at iwasang lumabas kung hindi rin lang mahalaga ang pupuntahan upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Bilang bahagi ng kanyang pangako na mabigyan ang mga Filipino ng mas madaling access sa quality health care services, pinayuhan niya ang mga mayroong medical concerns na magtungo sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City at mayroong Malasakit Center.

Tiniyak din ni Go, na siyang Vice Chair ng Senate Committee on Finance ang suporta sa ilang infrastructure development initiatives, kabilang na ang pagtatayo ng multi-purpose building sa Catbalogan City at konstruksyon ng farm-to-market road sa Pinabacdao, upang makalikha ng mas maraming economic opportunities at mapagaan ang pamumuhay ng mga residente.

Sinuportahan din ng mambabatas ang iba pang mga proyekto sa Samar, gaya ng rehabilitasyon ng farm-to-market roads sa Basey, Marabut, Talalora, at Tarangnan; pagtatayo ng public market sa Guiuan, San Jorge, Talalora at Tarangnan, pagtatayo ng evacuation centers sa Sta. Margarita at Zumarraga, pagtatayo ng seawall sa Llorente at Sto Niño at pagbili ng dump truck sa Jiabong.