-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Sen. Bong Go ang kahalagahan ng agricultural sector at kontribusyon nito sa economic recovery mula sa matinding epektbo ng COVID-19 pandemic kaya nananawagan ito sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para protektahan ang kapakanan ng mga maliliit na magsasaka at habulin ang mga abusadong traders.

Sinabi ni Sen. Go, suportado nito ang mga improvements sa agricultural sector sa pamamagitan ng pagsasaayos sa rice importation system ng bansa.

“Sa panahon ng krisis at pandemya, ang ating mga masisipag na magsasaka ang nagsisilbing kasangga ng bawat pamilyang Pilipino,” ani Sen. Go. “Bilang mga nagsisilbing food providers ng ating bayan, nararapat lamang po na maglaan tayo ng epektibong mekanismo na mangangalaga sa kapakanan ng ating mga magsasaka.”

Ayon kay Sen. Go, maliban sa COVID-19 pandemic, nananatiling pabigat sa mga magsasaka ang mga mapagsamantalang traders na sangkot sa rice smuggling.

Inihayag ni Sen. Go na patung-patong na nga ang problema ng mga magsasagawa dahil sa pandemya, nakakadagdag pa ang panloloko at pananamantala ng mga malalaking rice traders at rice importers.

“Marami po sa ating mga magsasaka ang naapektuhan at tuluyang nawalan ng trabaho at kabuhayan dahil sa pandemya. Patong-patong na problema at balakid po ang dinaranas ng ating mga magsasaka, hindi ko po matatanggap na sa kabila ng hirap na dinaranas ng ating mga magsasaka ay talamak pa rin ang issue ng rice smuggling sa ating bansa.”