-- Advertisements --
Nakatakdang bawiin na ni Senator Sherwin Gatchalian ang criminal at civil cyber libel case na isinampa nito kay dating Energy Secretary Alfonso Cusi.
Sinabi ng senador na kaniyang tinanggap ang paghingi ni Cusi ng paumanhin.
Una kasing inakusahan ni Cusi ang Senador na kaniyang pinapakinggan lamang ang mga may interest sa kaniyang negosyo.
Minaliit aniya ng senador ang kakayahan umano ng Department of Energy para mag-evaluate para sa pagbenta ng majority stake ng Malampaya gas field.