-- Advertisements --
Nais ni Senador Francis Chiz Escudero na isapubliko ng gobyerno ang mga nagastos at mga nasayang na pondo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ng Senador na wala pa rin linaw kung nagastos ba sa tama ang pandemic funds na ipinambili ng mga medical supplies at bakuna.
Hanggang sa ngayon kasi ay wala pang linaw kung magkano ang presyo ng bawat bakuna dahil sa ipinapatupad na non disclosure agreement (NDA) sa pagitan ng gobyerno at suppliers at manufacturers ng mga bakuna.
Paglilinaw ng senador na obligasyon ng gobyerno na ilabas sa publiko ang nagastos pondo para mabigyan ng katarungan ang paggastos sa pondo ng bayan.