-- Advertisements --

Dumistansya si Sen. Ronald Bato dela Rosa sa ipinasang resolusyon na humihimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekonsidera ang planong pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa pagbasa ni Senate Secretary Myra Marie Villarica, nagkaroon ng ilang amyenda sa resolusyon bago ito naaprubahan ng buong kapulungan.

Kabilang sa mga author nito sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Sen. Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Para kay Sen. Dela Rosa, nais niyang maitala sa Senate record na nag-abstain siya, dahil isa ang kaniyang karanasan sa pagkakakansela ng US visa sa mga sinasabing basehan ni Pangulong Duterte para ipawalang bisa ang treaty.