-- Advertisements --

Ibinahagi ni Selena Gomez ang panonood niya ng concert ng malapit na kaibigan nito na si Taylor Swift.

Sa kaniyang social media ay nagpost ng larawan ang actress na dumalo sa “The Eras Tour” na isinagawa sa Texas.

Kasama nitong nanood ang nakakabatang kapatid na si Gracie kung saan ibinigay ni Swift ang sumbrero nitong isinuot sa kantang “22”.

Bukod kasi sa pagkakaroon ng mga celebrity audience ay iniimbitahan ni Swift sa kaniyang mga concerts para magperform sa stage ang mga banda gaya ng Paramore at UK-based singer na si Beabadoobee.