-- Advertisements --

Handang ibahagi ng singer-actress Selena Gomez sa kaniyang fans ang pinagkakabalahan nito ngayong panahon ng coronavirus pandemic.

https://www.instagram.com/p/CDhIsp4DfhG/

Nakatakda kasi ilabas ang 10-episode unscripted series nito na “Selena+Chef” sa isang streaming platform simula Agosto 13.

Mapapanood aniya dito ang pagtuturo niya ng pagluto na kinunan sa kaniyang bahay sa Los Angeles.

Kasama niya kasi sa lockdown ang kaniyang mga grandparents at tatlong kaibigan.

Dagdag pa nito na hilig niya talaga ang magluto subalit hindi niya alam kung paano ito gawin.

Magugunitang aabot sa mahigit 185 million ang Instagram followers ang 28-anyos na si Gomez na siyang nangunguna sa dami ng IG followers.