
Ibinida ng Department of Trade and Industry (DTI) ang higit 20 mga pagpupulong na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DTI Sec. Alfredo Pascual sa ginanap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Sinabi ni Trade and Industry Assistant Secretary Glen Penaranda na sa mga pulong na ito ay natalakay ang mga prayoridad ng pilipinas sa kalakalan at pamumuhunan.
Ayon kay Penaranda, pangunahing layunin ng mga pagpupulong na ito ay lalo pang palakihin at palaguin ang negosyo sa Pilipinas, upang mas maraming trabaho ang malikha nito para sa mga Pilipino.
Isa lamang aniya ang sektor ng Micro Small and Medium Enterprise o MSME’s sa malaki ang pakinabang sa mga pulong na ito sapagkat natalakay ang mga bagong teknolohiya na kailangan nila para maging mas competitive at innovative.
Mahalaga ayon kay Penaranda na maka-adapt ang MSME’s sa digital technology para sila mag transform at lumago at patuloy na umunlad dahil magkakaroon ng pagkakataon na maitaguyod ang kanilang mga produkto at makasama sa pandaigdigang merkado.










