-- Advertisements --

Ipinatupad ang segregation scheme sa linya ng mga pasahero na sumasakay sa lahat ng stasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) upang maiwasan ang mahabang pila tuwing rush hours.

Sa ilalim ng naturang schem, ang pila ng mga pasahero na may malalaking bagahe ay hiwalay sa mga pasahero na may dalang maliit na bag.

Ang mga pasahero na may bibit na malaking bagahe ay kailangang dumaan sa X-ray machines habang ang may maliit na bags naman ay manual na iinspeksyunin ng nakatalagang security guards sa pamamagitan ng metal detector.

Sinabi naman ni DOTR MRT-3 General Manager Engr. Federico Canar na naobserbahan nila na dumarami ang nakapila tuwing peak hours at halos siksikan na sa x-ray machine dahilan kaya binuo ang naturang scheme.

Una kasi rito, bago pa man ipinatupad ang bagong scheme lahat ng mga pasahero ay kailangang dumaan pa sa xx-ray machine malaki man o maliit ang bagahena nagresulta ng mahabang pila sa mga stasyon ng tren.

Isinagawa ang dry run ng bagong scheme noong nakalipas na linggo.