-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naka-deploy na ang mga tauhan na magbibigay ng seguridad ilang linggo bago magsimula ang Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur.

Ito ay matapos ang matagumpay na multi-agency send-off ceremony kahapon na nagpakita ng mahigpit na koordinasyon upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang nalalapit na sporting event.

Ayon kay PCol. Yahya Bustamante Yusup, Provincial Director ng Agusan del Sur Police Provincial Office, wala silang nakikitang kakulangan sa pagbibigay ng seguridad, lalo na’t mula pa nang ma-award sa Agusan del Sur ang pagho-host ng Palarong Pambansa 2026 ay may serye na ng mga pagpupulong para sa paghahanda sa seguridad.

Magpapatupad din sila ng mga DO’s and DON’Ts sa mga playing venue at billeting quarters upang maging komportable ang mga atleta.

Sa ngayon ay mayroon nang dumating na advance party ng mga delegado sa Agusan del Sur upang makita ang lugar, habang inaasahang darating ang mga delegado simula ngayong Mayo 11.