Tiniyak ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na nakahanda na ang kanilang security package para duon sa mga incumbent local candidates na tumatakbo ngayong halalan at iba lang mga kandidato na may banta sa kanilang seguridad.
Ito’y kasunod ng pagsisimula ng local campaign sa March 25,2022.
Sinabi ni PNP Chief, hinihintay na lamang nila ang report mula sa ground hinggil sa kanilang isinagawang security threat assessment para duon sa mga kandidatong humiling ng security escort.
Inihayag ni Gen. Carlos, na kanilang idi deploy ang mga security escorts sa mga local candidates ilang araw bago magsimula ang local campaign.
” Ang deadline namin tomorrow kaya bago dumating yung March 25 may deployment kami depende doon sa assessment,” wika ni Gen. Carlos.
Siniguro ni PNP chief na mabusisi ang kanilang gagawing threat assessment.
Kasado na rin ang security plan ng PNP para tiyakin na maging maayos at mapayapa ang lokal na pangangampanya.
” Nag conference kami binigay ko na yung specific actions to be undertaken kasi pinapa -asses ko sa kanila kung sino yung mga kandidato na they assess to be really under threat kasi yung assessment must really come from the ground,” pahayag ni Gen. Carlos.
Maging ang kampanya ng PNP laban sa mga private armed groups ay nakalatag na rin.
Mahigpit na mino monitor ng pulisya ang mga private armed groups na nag ooperate sa bansa.
Tututukan din ng PNP ang mga kandidato na gumagamit ng private armed groups lalo na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Dagdag pa ni PNP chief na may mga inisyal na rin na pag uusap sa mga kandidato na identified na may mga PAGs.