-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tagumpay na naaresto ng mga kasapi ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang isang drug personality sa isinigawang drug buy-bust operation sa Barangay 28, Laoag City.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Ponciano Dy Jr. y Duldulao, 45-anyos, security guard at residente ng Barangay 15, Laoag City.

Agad na hinuli ng mga kasapi ng PDEU ang suspek sa kaligitnaan ng pagbigay ng nito ng isang sachet na naglalaman ng umano’y shabu sa halaganag isan libong piso sa nagsilbing poseur-buyer.

Samantala, sa pagkapkap ng mga otoridad sa suspek ay nakumpiska ng mga otoridad ang isang sachet na naglalaman ng shabu at isang libong piso na nagamit sa operasyon.

Ayon sa mga otoridad, si Dy ay isang High Value Target ng Provincial Drug Enforecement Unit (PDEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ilocos Norte.

Samantala, iginiit ni Dy na hindi sakanya ang mga nakumpiskang ebidensya.

Aniya, huminto lamang siya sa lugar para makipag-usap sa cellphone ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ukol sa nangyaring operasyon.