-- Advertisements --

Kinumpirma ng White House na nag positibo sa coronavirus disease ang national security adviser ni President Donald Trump na si Robert O’Brien.

Patuloy umano itong naka-self isolate at nagtatrabaho sa isang secure location off site.

Sinigurado naman ng White House na walang risk ng exposure kay Trump o kahit kay Vice President Mike Pence. Lahat din ng staff ng American president ay araw-araw sumasailalim sa coronavirus test.

Magugunita na sinamahan ni O’Brien si Trump sa Florida nitong buwan.