-- Advertisements --

DAVAO CITY – Laking pasasalamat ng mga taga Sitio Nasilaban, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao del Norte na dinalaw sila ni Education Secretary Leonor Briones upang tingnan ang kalagayan ng mga pampublikong paaralan sa lugar.

Tiningnan din Secretary Briones ang dating kinatatayuan ng Salugpungan Schools na giniba ng mga residente matapos ipasara ng Department of Education (DepEd) dahil sa kakulangan ng sapat na permit.

Layonin ng kalihim na maparami pa ang mga paaralan sa mga malalayong barangay.

Sa kanyang pagbisita sa Nasilaban Integrated School ipinangako ni Secretary Briones ang pagtatayo ng dormitoryo, tatlong palapag na karagdagang school building, paglalagay ng solar panel, rain water collector at electronic library.

Ayon sa kalihim mahihirapan ang mga mag-aaral na pumasok sa mga paaralang kagaya ng Salugpungan Ta Tanu Igkanogon learning center na di naka-comply sa mga requirements ng DepEd.

“Sila na mismo ang nagde-demand na sarhan na ang mga paaralang walang sapat na permit. Kung ikay ay pumapasok sa paaralang di nabigyan ng permit wala kang dokumento, dahil lahat ng mga mag-aaral na bata sa Pilipinas 27.2 milyon ang nasa basic education lahat sila may numero. So, maske saan sila pupunta mata-track mo. Eh ngayon itong mga batang ito kung wala silang numero paano sila makapunta? Junior High ka gusto mong lumipat sa ibang paaralan dahil lumipat ang mga parents mo, wala kang numero, wala kang dokumento, hindi ka maka-proceed,” ani Briones.