-- Advertisements --
Tuloy-tuloy ang ginagawang pagpapasara ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng mga hindi rehistradong online lending platform.
Ayon sa ahensiya na nitong linggo lamang ay mayroon ng 33 na mga unregistered online lending platform ang kanilang tuluyang tinanggal sa internet.
Sa mga financing at lending companies kasi ay kailangan na irehistro ang kanilang mga apps bilang business names at ipakita ang kanilang mga corporate names.
Nararapat din na makita online ang mga SEC registration numbers ng mga kumpany ganun din ang certificate of authority numbers.
Sa kabuuan ay mayroon ng mahigit 2,000 na mga kumpanya ang kanilang ipinasara dahil sa mga paglabag.