-- Advertisements --

Magsasagawa ng paghihigpit ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga ownership data sa mga kumpanya para makatulong sa pagpigil ng kurapsyon sa mga government procurement process.

Makikipag-ugnayan sila sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at international authorities para maabisuhan ang mga may-ari ng kumpanya na maaring sangkot sa anumang uri ng kurapsyon.

Sinabi ni SEC chairperson Emilio Aquino na sa ganitong paraan ay matitiyak na ang mga kumpanya na lalahok sa bidding ng mga proyekto ng gobyerno ay malinis at hindi sangkot sa anumang uri ng kurapsyon.

Pagtitiyak niya na magiging mabilis na ang bidding process sa lahat ng mga proyekto ng gobyerno.