-- Advertisements --

Itinanggi ni National Security Adviser Eduardo Año na mayruong dokumento na magpapatunay sa umano’y
“gentleman’s agreement” sa pagitan ng dating administrasyon ni Pang. Rodrigo Duterte at Chinese government kaugnat sa BRP Sierra Madre na naka station sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Sa isang panayam kay Secretary Ano sa Malakanyang kaniyang inihayag na walang dokumento na magpapatunay sa pahayag ng Beijing.

Aniya ang China ang nagpalutang sa umano’y gentleman’s agreement.

Gayunpaman binigyang-diin ni Ano na gagawin ng Pilipinas ang nararapat, depensahan ang karapatan nito, protektahan ang territorial integrity ng bansa at siguraduhin ang soberenya sa Exclusive Economic Zone.

Sa kabilang dako, sinabi ni Ano na hindi napag-usapan sa full cabinet meeting nuong Miyerkules ang isyu sa West Philippine Sea.