-- Advertisements --
SEAWEEDS

Nangunguna ang seaweeds bilang pangunahing produktong lamang-dagat sa ikalawang kwarter ng 2023, dito sa bansa.

Batay sa datus ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR), patuloy ang paglago ng produksyon ng halamang-dagat dito sa bansa.

Umabot kasi sa 365,775 metriko tonelada ang naitala ng bansa sa naturang period.

Ang nasabing volume ay bumubuo sa 33.8% ng kabuuang fishery products ng bansa.

Bagaman nananatiling mataas ang produksyon, bahagya naman itong mas mababa kumpara sa naitalang volume ng seaweeds noong nakalipas na taon sa kaparehong period.

Umabot kasi ang ani ng bansa noon sa 384,729 metriko tonelada, o mas mataas ng halos limang porsyento.

Ayon sa BFAR, ang mga halamang dagat ang pangunahing ibinebenta ng Pilipinas sa ibang mga bansa, dahil na rin sa mataas na produksyon at mataas na demand mula sa ibang bansa.

Patuloy din umano ang gagawin ng ahensiya na pagpapalago sa naturang indusrtiya, katuwang ang mga mangingisda ng bansa.