-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY-Umaasa ang 5th Infantry Division, Philippine Army na mahahanap na ngayong araw na ito ang nawawalang Cessna plane at mga sakay nito.

Ito ay kasabay ng ika-walong araw na ng search operation sa Divilacan, Maconacon at San Mariano, Isabela.

Ayon kay Major Rigor Pamittan, tagapagsalita ng 5th ID na 20 teams na mula sa PNP, BFP, AFP, SAF, MDRRMO, DENR at mga residente sa mga nabanggit na lugar ang nagtututulong-tulong para sa paghahanap sa itinakdang search operation area.

Bukod sa grupo sa ground search ay lumilipad na ngayon ang apat na aircraft para sa aerial search.

Ayon kay Pamittan, may designated base ang mga nagsasagawa ng search operation kung saan dito rin inihahatid ang kanilang mga rasyon na pagkain.