-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Mindoro isang linggo matapos na magbanggaan ang fishing vessel Liberty 5 sa Hong Kong-flagged cargo ship na MV Vienna Wood.

Nitong umaga, inikot ulit ng search and retrieval team ng PCG sa Mamburao ang karagatang bahagi ng Tayamaan, Mamburao, Occidental Mindoro.

Samantala, ang PCG Boracay naman ay nag-ikot sa karagatang bahagi ng Binaybay Shoreline, Paluan Bay sa Occidental Mindoro.

Dalawang PCG vessels pa ang naglayag din para tumulong sa isinasagawang seach and retrieval operatoin.

Samantala, ang Philippine Airforce naman ay nakatakdang magsagawa ng aerial surveillance.

Maging ang Philippine National Police-Maritime Group ay nakatakda rin ng seaborne patrol.