-- Advertisements --

Ginawa nang bus ang sasakyang gagamitin ng mga 2019 Southeast Asian (SEA) Games football teams para makarating sa iba’t ibang venues sa kasagsagan ng biennial meet.

Nanggaling ang mga bus na ito sa Philippine Football Federation, Philippine Sports Commission, at local club na Ceres-Negros FC.

Ngayong araw lamang din nakuha ng mga organisasyon na ito ang permit mula sa LTFRB.

Malaking tulong ang mga bus na ito sa mga koponan dahil gaganapin ang 2019 SEA Games football tournaments sa tatlong magkakaibang venues: Rizal Memorial Football Stadium, Biñan Football Stadium at Imus Grandstand Cavite Stadium.

Nitong weekend lang ay inireklamo ng ilang international football teams ang matagal na paghihintay sa airport at pagsiksikan sa maliit na e-jeep at problema sa accomodation.