-- Advertisements --

PARIS – Umapela ang mga scientists para maibalik ng mga pamahalaan ang tiwala ng publiko sa pagbabakuna. Ito’y matapos lumabas sa isang pag-aaral na marami pa ring bansa ang may agam-agam na maturukan ng COVID-19 vaccine.

Batay sa “A global survey of potential acceptance of a COVID-19 vaccine” study ng ilang doktor sa Spain, United Kingdom, at Amerika, dumadami pa ang nangangamba sa bakuna sa kabila ng pagsisikap ng bawat pamahalaan na makahanap ng lunas sa coronavirus.

Nasa 13,426 respondents mula sa 19 bansang pinaka-apektado ng COVID-19 pandemic ang sumali sa pag-aaral. Mula sa kanila, 71.5% ang handang magpabakuna. Parehong 14% naman ang tumanggi at hindi sigurado.

“If we do not start building vaccine literacy and restoring public trust in science today, we cannot hope to contain this pandemic,” ayon sa isa mga authoer na si Dr. Heidi Larson ng London School of Hygiene and Tropical Medicine.

Ang mga respondents mula China raw ang nagpakita ng positibong tugon sa survey. Mababa rin ang negative responses nang tanungin ang kanilang kahandaan na tumanggap ng ligtas at epektibong bakuna.

Pinakamababa naman sa positive responses ang Russia, habang Poland ang may pinakamataas na negatibong tugon sa posibilidad na mabakunahan.

“When asked whether ‘You would accept a vaccine if it were recommended by your employer and was approved safe and effective by the government,’ 31.9% (4,286 of 13,426) completely agreed, whereas 17.9% (2,411 of 13,426) somewhat or completely disagreed.”

Sinasabi rin ng researchers, na mas malaki ang tsansa na tumanggap ng bakuna ang populasyon na tiwala sa kanilang gobyerno. Kabaligtaran naman ang resulta kapag ginawa itong requirement ng kanilang employer.

Dito sa Pilipinas, bagamat markado na ng publiko ang issue ng umano’y dulot na panganib ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia, ay nagsusumikap ang Department of Health na maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa immunization.

Ngayong buwan, magsisimula ang immunization program ng pamahalaan kontra measles at polio.(with reports from AFP)