-- Advertisements --

Bumandera sina Philippine Azkals star Stephan Schrock at Neil Etheridge sa 30-man training pool ng Philippine Azkals para sa 2023 AFC Asian Cup qualifiers mula Hunyo 8 hanggang 14 sa Mongolia.

Pangungunahan ng nagbabalik na Azkal coach na si Thomas Dooley.

Ito ang muling pagsasama nina Schrock at Birmingham City goalkeeper Etheridge sa American coach.

Kasama rin sa listahan sina Bundesliga player Gerrit Holtmann, Bienvenido Maranon, Carli de Murga at Jefferson Tabinas.

Kahanay ng Azkals ang Yemen, Mongolia at Palestine sa Group B.

Magsasanay ang Azkals ng hanggang Hunyo 3 bago sila lumipad patungong Mongolia.