-- Advertisements --
deped1

Pinag-uusapan ng Department of Education (DepEd) at ng World Food Program (WFP) ang posibleng pagpapalawak ng School Meals Program para makinabang ang mas maraming batang Pilipino.

Ito’y matapos bumisita si World Food Program Deputy Executive Director of Program and Policy Development Valerie Guarnieri sa DepEd at nakipagpulong sa mga opisyal nito.

Sa pagpupulong, sinimulan ng DepEd at ng World Food Program na talakayin ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng School Meals Program upang mas maraming Filipino learners sa buong bansa ang makinabang sa programang ito.

Ang School Meals Program ay naglalayon na suportahan ang mga pamahalaan na siguraduhin na ang lahat ng mga batang nasa paaralan ay may access sa mga pagkain sa paaralan at malusog at handang matuto.

Binanggit ni Duterte na ang School Meals Program ay may mahalagang papel sa pagsisikap ng DepEd na magdala ng masustansyang pagkain sa mga bata lalo na sa mga nakatira o matatagpuan sa mga rural at malalayong lugar.

Ang World Food Program ani Duterte, ay kinikilala rin ng DepEd bilang isa sa pinakamahalagang katuwang ng ahensya sa pagsusulong ng agenda para sa food and nutrition security, lalo na sa mga kabataang Pilipino.