Scarlet Belo
-- Advertisements --
viber image 2021 10 24 00 26 50 585

Napabilid ng Southeast Asian (SEA) Games gold medalist na si Jade Zafra ang tinatawag ng mga netizens na “wonder child” na si Scarlet Snow Belo kasunod ng pagiging instructor nito sa taekwondo.

Sa Instagram post ni Zafra, sinabi nitong number one daw ang anak ng sikat na mga doktor na sina Vicky Belo at Hayden Kho sa lahat ng kanyang ginagawa.

Kasunod na rin ito nang pag-post ni Scarlet sa kanyang Instagram account ng kanilang larawan ni Zafra pagkatapos ng kanilang session.

Sa larawan, kita pang parehong naka-taekwondo uniform ang dalawa.

“Daddy doesn’t know what to do with all my hyper energy, so he asked SEA gold medalist Jade Zafra to teach me Taekwondo. It’s a good way to exercise and also learn self-discipline,” ani Scarlet.

-- Advertisement --

Kung maalala ang taekwondo star na si Jade ay gold medalist sa 2013 Southeast Asian Games na ginanap sa Myanmar.