-- Advertisements --

Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay dating Makati City Mayor Elenita Binay kaugnay ng maanomalyang pagbili ng hospital beds ng Ospital ng Makati na aabot sa mahigit P36 million noong 2001.

Sa 16 pahinang desisyon ng SC Third Division na may petsang August 7, 2019, ipinaliwanag ng korte na ang petitioner mismo na si Binay na kasi ang humiling ng mabilis na paglalabas ng disposisyon sa kanyang kaso sa Ombudsman.

Maliban dito, hindi na rin daw kasi nagbigay ng ano mang argumento o naghain ng ano mang written manifestation ang kampo ng dating mayora para kuwestyunin ang maagang pagpapalabas noon ng resolusyon ng Ombudsman.

Una rito, naghain ng petition for certiori and prohibition sa SC si Binay para hilingin na ipawalamng bisa ang desisyon ng Ombudsman noong August 29, 2019.

Sa nasabing desisyon ng Ombudsman, nakitaan ng probable cause ang dating alkalde para patawan ng kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds Through Falsification.

Ito’y matapos na mapatunayang may pananagutan si Binay sa maanomalyang pagbili ng mga hospital beds at cabinet ng Ospital ng Maynila.

Bukod kay Binay, kasamang kinasuhan ng Ombudsman ang 15 iba pang opisyal ng Makati City dahil sa maanomalyang pagbili ng mga kagamitan ng Ospital ng Makati.