-- Advertisements --

Nag-abiso ngayon ang Supreme Court (SC) sa mga nagnanais na kumuha ng Bar examinations ngayong taon na naglabas na sila ng ” frequently asked questions,” contact number ng help desk at viber channel mula sa Office of the Bar Confidant.

Inilabas ng SC ang link online na pupuntahan ng mga bar applicants kung paano ang pagkompleto ng kanilang online application at iba pang mga mga katanungan sa ukol sa application requirements.

Kung maalala noong ginanap ang huling bar examination nitong nakalipas na buwan ng Enero ay para sa taong 2020-2021.

Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ay isinagawa ito sa pamamagitan ng digital at inilunsad din sa mga local testing sites sa ilang bahagi ng bansa taliwas sa mga nakagawian na handwritten exams sa isang unibersidad sa Maynila.