Inanunsiyo na rin ng Korte Suprema ang suspensiyon ng trabaho sa mga korte bukas ng hapon.

Sa isang pahinang memorandum order 73-2019 na pirmado ni Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin, base na rin sa En Banc Resolution No. 18-08-21-SC, idineklara ng punong mahistrado ang hall-day work schedule bukas.

Dahil dito ang mga trabaho sa SC, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals (CTA), Presidential Electoral Tribunal (PET) at lahat ng first at second-level courts ay hanggang alas-12:00 ng tanghali lamang.

IMG 20191030 133756

Una rito, idineklara ng MalacaƱang ang half-day work schedule sa lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno bukas.