-- Advertisements --

Iniliabas na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 24-man Gilas Pilipinas pool na sasaabak sa 4th window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Maagang isinumite ng SBP ang mga pangalan ng manlalaro sa FIBA ilang araw bago ang laban nila kontra Lebanon at Saudi Arabia.

Pinangunahan ito nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Chris Newsome, Alein Maliksi, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Arvin Tolentino, Robert Bolick at Jamie Malonzo.

Kabilang din sa listahan sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Francis Lopez, Roosevelt Adams, Kiefer Ravena , Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks Jr. , Dwight Ramos , Kai Sotto, at naturalized player Jordan Clarkson.

Nakatakdang lumipad sa Lebanon ang Gilas sa Agosto 25 na susundan ng laban nila kontra Saudi Arabia sa darating na Agosto 29 sa Mall of Asia Arena.