-- Advertisements --

Ikinagalak ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang pagpayag ng FIBA na makapaglaro sa unang window ng FIBA Asia Cup si Justin Brownlee.

Ayon kay SBP president Al Panlilio na nabigyan lamang si Brownlee ng “Notice of Charge” kaugnay ng kaniyang paglabag sa doping rule violations noong Asian Games.

Inaasahan na tatanggapin ni Brownlee ang notice of charge for three-month ineligibilty.

Hindi na naglaro si Brownlee mula ng lumabag ito sa doping rules sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China maging sa PBA kaya makakapaglaro na ito sa first window ng FIBA Asia Cup.

Dagdag pa ni Panlilio na malaking tulong sa Gilas Pilipinas si Brownlee kasama na ang mga local players.