-- Advertisements --
Hindi pa umano prayoridad ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang paghahanap ng kapalit kay Nenad Vucinic sa coaching staff ng Gilas Pilipinas.
Sinabi ni SBP president Al Panlilio na mayroong pang sapat na coaching staff ang Gilas.
Inihalimbawa nito sina Tim Cone, Jong Uichico at Goldwn Monteverde na kasama ni Chot Reyes bilang mga coach ng Gilas.
Paglilinaw naman ni Panlilio na mayroong malaking kontribusyon din si Vucinic sa Gilas Pilipinas kung saan umaasa ito na sana muli nila itong makakasama.