CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang SB member habang lima ang nasugatan banggaan ng tatlong sasakyan sa sNational Highway sa , Brgy Abut, Quezon, Isabela
Ang isa sa mga sasakyan na nasangkot sa aksidente ay isang Toyota Fortuner na may plate number na ABA 1967, minamaneho ni Mayor Jimmy Gamazon Jr., 45 anyos, habang ang pasahero nito ay si Mercy Gamazon, 44 anyos, may asawa, negosyante at kapwa residente ng Barangay Arellano Quezon, Isabela
Sangkot din ang isang Mitsubishi Estrada na may dalang plate number PQK 455, minamaneho ni SB member Candido Andumang, 70 anyos, may asawa, SB member at residente ng Barangay Abut Quezon, Isabela
Ang pangatlong sasakyan na nasangkot sa aksidente ay isang Toyota Fortuner na may plate number na BAB 3039 at minamaneho ni Meireece Ferrer , 30 anyos, binata, self-employed at residente ng Sotero Nuesa Roxas, Isabela kasama ang mga pasaherong sina Abegail Ronquillo,24 anyos; Romano Ronquillo 22 anyos, estudyante at Kevin Ronquillo 32 anyos, pawang residente ng Barangay Bantug Roxas, Isabela
Lumabas sa paunang pagsisiyasat na kapwa binabagtas ng sasakyang minamaneho ni Mayor Gamazon at sasakyang minamaneho ni Ferrer ang patungong timog na direksyon habang ang sasakyang minamaneho ni SB member Candido Andumang ay patungo naman ng hilagang direksiyon.
Nang makarating sa palikong daan ang sasakyang minamaneho ni SB Member Andumang ay nasagi nito ang sasakyang minamaneho ni mayor Gamazon habang head on collision sa pagitan ng sasakyan ng SB Member at sasakyan ni Ferrer.
Dahil sa lakas na impact, lahat ng mga pasahero nina Mayor Gamazon at Ferrer ay nagtamo ng sugat sa kanilang mga katawan habang si SB member Candido Andumang ay idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Ang tatlong sasakyan na nasangkot sa aksidente ay nagtamo ng mga pinsala.
Patuloy pa ring nagsasagawa ng nga pagsisiyasat ang mga awtoridad sa nasabing aksidente.