-- Advertisements --
Napalitan ng lungkot ang dapat sanang saya ng Spanish star na gumawa ng match-winning goal laban sa England sa World Cup final, matapos mabalitaang pumanaw ang kaniyang ama kasabay ng pagtatapos ng laro.
Ang ika-29 minutong laro ni Olga Carmona ang siyang nagtala ng panalo para sa kanilang kopunan, kaya nakahanda na sana ang selebrasyon para sa nasabing tagumpay.
Mismong ang Spanish Football Association ang nagkumpirma tungkol sa pagkamatay ng kaniyang ama kasunod ng full-time whistle sa naturang laro.
Agad namang bumuhos ang pakikiramay para kay Carmona at buong pamilya nito.