-- Advertisements --

Naging malaking usapin pa rin ang pagkatalo ng world number 3 Argentina sa ranked 51 na Saudi Arabia siyang pinakamalaking upset sa kasaysayan ng World Cup.

Sa naganap kasi ng laban ng dalawa sa Group A sa Lusail Stadium ay nakuha ng Saudi Arabia ang 2-1 na panalo.

Unang nakapagtala ng goal ang team captain ng Argentina na si Leonel Messi subalit hindi nagpabaya ang Saudi Arabia at magkasunod na nakapagtala ng goal sina Saleh Al-Shehri at Salem Al Dawsari.

Lumabas na rin sa sports data group Gracenote na mula sa Neilsen company na ang resulta ng laban ng Saudi at Argentina ay isa pinakamalaking upset sa kasaysayan ng World Cup.

Nangunguna pa rin na na upset na laban ay ng talunin ng USA team ang England noong 1950.

Ilan pa sa mga sikat na Word Cup upsets ay ang panalo ng South Korea sa Italy noong 1966, panalo ng Camerron sa defending champion na Argentina noong 1990 at panalo ng Senegal sa France noong 2002.