-- Advertisements --
DAVAO CITY – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bahagi ng Sarangani Province.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang pagyanig bandang alas-10:22 kaninang umaga.
Sentro ng lindol ang silangang bahagi ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
Hindi nagdulot ng pinsala at wala naman umanong aasahan na aftershocks kasunod ng lindol.
Kung maaalala noong nakaraang buwan, ilang beses din na nakaranas ng malakas na pagyanig ang nasabing lalawigan.