-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng singer na si Sara Geronimo at asawang si Matteo Guidicelli ang pagkakaroon nila ng sariling recording label.

Ang G-Music ay siyang magbibigay sa mga artists na kontrolin ang kanilang musika, gawa, likha at legacy.

Sa kanilang social media account ay ibinahagi ng singer ang nasabing bagong music label kung saan umabot ng ilang taon na pangarap, papaplano at pag-aaral.

Ayon sa actor na sa mahigit na 22 taon ay ibinuhos ng asawang singer na si Sarah ang puso sa pagkanta.

Sa pagtaguyod ng music label ay isang bagong hakbang para mapalakas ang gawa nitong mga kanta.