-- Advertisements --

Namayagpag sa panibagong Pulse Asia survey si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, para sa mga pangalang pinagpipilian bilang susunod na pangulo, kung isasagawa ngayon ang eleksyon.

Isinagawa ito noong unang linggo ng Setyembre 2021.

Pero ang nakuhang 20 percent ng presidential daughter ay mas mababa kumpara sa 28 percent, na dati niyang nakuha noong June 2021 survey.

Kasunod ng alkalde sa ang pumangalawa na si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na may 15 percent, Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 13 percent at Sen. Manny Pacquiao na mayroong 12 percent.

Para naman sa pagka-bise presidente, nanguna si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may 25 percent.

Habang may 14 percent si President Rodrigo Duterte, habang 12 percent naman para kay Manila Mayor Isko Moreno.