-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa unahang pwesto si Davao City Mayor Sara Duterte sa listahan ng posibleng tumakbo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas sa 2022 presidential election.

Batay sa latest survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Pebrero 22 hanggang Marso 3, nabatid na ang presidential daughter pa rin ang posibleng top contender sa susunod na halalan.

Ipinapakita sa nationwide survey na ito na malinaw ang suporta ng publiko para kay Duterte. 60 percent ng mga respondents ang mula sa Mindanao, (21 percent) Visayas, (17 percent) Luzon at (12 percent) National Capital Region.

Ilan pa sa presidential bets ay sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos (13 percent), Senator Grace Poe at Manila Mayor Francisco Domagoso (12 percent), gayundin si Sen. Manny Pacquiao (11 percent).

Sa Metro Manila naman, nangunguna si Manila Mayor Isko Domagoso (24 percent), at Marcos (13 percent), habang ang ibang parte naman ng Luzon ay pabor kay Marcos (19 percent), Duterte (17 percent), Poe (15 percent), o Domagoso (13 percent).

Nakatanggap naman si Duterte ng pinaka-maraming suporta sa Visayas na may 21 percent, sinundan ni Pacquiao na may 15 percent, at Poe na may 14 percent.

Kasama rin sa listahan ng mga personalidad na nais maging pangulo ng mga respondents ay sina Vice President Leni Robredo (7 percent), Senator Christopher Go (5 percent), former vice president Jejomar Binay (3 percent), Senator Panfilo Lacson (2 percent), and Taguig City-Pateros 1st District Rep. Alan Peter Cayetano (2 percent).

Para namana sa pagiging bise presidente, napag-alaman sa survey na mahigpit ang laban sa pagitan ng tatlong posibleng kandidato.

Ito ay sina Manila Mayor Domagoso (16 percent), Senator Pacquiao (15m percent), at Davao City Mayor Duterte (15 percent).

Sinundan naman ito nina Senate President Vicente Sotto III (11 percent), Marcos (11 percent), Go (9 percent), Cayetano (7 percent), at Sorsogon Governor Francis Escudero (7 percent).