cropped inday sara duterte 2
-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nananatiling buhay ang posibilidad ng tambalan nina Sara Duterte at Gibo Teodoro para sa 2022 elections sa kabila ng nanunang anunsyo ng presidential daughter na muli siyang tatakbo bilang alkalde ng Davao City at hindi bilang pangulo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, sinabi nito hindi na bago sa politika ang istilo ng pabago-bagong desisyon.

Kinumpirma ng kongresista na mismong sina Mayor Sara at Teodoro na ang nagsabi sa kanya ng kanilang planong pagtakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo sa susunod na taon.

Malaki umano ang posibilidad na tatakbo ang dalawa bilang mga independent candidates subalit suportado ng local parties lalo na ng Hugpong ng Pagbabago.

Samantala, sakaling matuloy nga ang pagtakbo ng tambalang Sarah-Gibo malaki ang posibilidad na magpaubaya na lang si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi na ituloy pa ang planong pagtakbo bilang bise presidente.

-- Advertisement --