-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Department of Energy na mayroong sapat na energy supply ang bansa sa kasagsagan ng El Niño phenomenon.

Ito ay sa gitna ng patuloy paghahanda ng pamahalaan para sa posibleng maging epekto ng matinding init ng panahon na inaasahang magtatagal hanggang sa buwan ng Mayo.

Ayon kay DOE Undersecretary Felix William Fuentebella, hindi malaking concern ang power situation sa ating bansa.

Aniya, batay sa kanilang pagtataya, walang magiging isyu sa power supply sa bansa sa susunod na mga buwan.

Kasabay nito ay tiniyak din ng opisyal na patuloy ang ginagawang mahigpit na monitoring ng ahensya sa timely completion ng major projects ng National Grid Corp. of the Philippines sa unang quarter ng taong 2024.

Alinsunod pa rin ito sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang ahensya na tiyakin ang energy security ng bansa sa kasagsagan ng El Niño at summer season.