Isang bagong panganak na sanggol ang na-rescue ng buhay mula sa mga pagguho sa Syria, na nakatali pa rin ang kanyang umbilical cord o pusod sa kanyang ina na namatay sa naganap na 7.8 magnitude na lindol sa Turkey.
Ang sanggol ay ang nag-iisang nakaligtas sa kanyang pamilya na kung saan ang lahat ay nasawi dahil sa nasabing malakas na pagyanig sa lugar.
Kaugnay niyan, pumalo na sa bilang na mahigit 7,900 katao ang nasawi na dulot ng pagyanig sa Turkey na isa pinakamalakas na lindol sa buong mundo.
Nagdeklara na si Turkish President Recep Tayyip Erdrogan ng tatlong buwang state of emergency sa 10 southeastern na mga lalawigan.
Sa ngayon, patuloy pa din ang mga isinasagawang search and rescue operation sa Turkey sa tulong na rin na ipinapadala ng iba’t ibang mga bansa.