-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Sandiganbayan ang hirit na hospital arrest ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH)Secretary Manuel Bonoan.

Sa inilabas na resolution ng Fifth Division ng Sandiganbayan, ay papayagan itong manatili sa Philippine National Police (PNP ) General Hospital sa Camp Crame at hindi sa The Medical City.

Isinaad kasi sa mosyon ng abogado ng dating kalihim na dahil sa edad nito at dinaramdam na sakit ay mahalaga na sa hospital na ito manatili.

Mananatili si Bonoan sa PNP General Hospital habang nakabinbin pa ang kaniyang kaso.

Magugunitang itinakbo sa pagamutan ang dating kalihim matapos lumabas ang warrant of arrest niya dahil sa kasong plunder mula sa Sandiganbayan.

Kabilang ang dating kalihim na nahaharap sa kasong graft at plunder ni Senator Jinggoy Estrada at iba dahil sa anomalya sa flood control project.