Suportado ni Senator Imee Marcos na mabigyan ng mas malaki pang budget ang Sandiganbayan para sa susunod na taon.
Ito ay kasunod ng pag-amin ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang sa Senate Committee on Finance na makararanas ng budget cut sa susunod na taon ang naturang anti-graft court.
Sinabi ni Cabotaje-Tang na aabot ng P1.56 billion ang hiling ng anti-graft court para sa kanilang 2021 budget ngunit tanging P955.77 million lamang ang inendorso ng Department of Budget and Management (DBM).
Hinikayat pa umano ng Sandiganbayan ang DBM na irekonsidera ang kanilang request noong Hulyo pero hindi na raw ito tumugon muli.
Para naman kay Sen. Marcos, hindi raw tama ang ginawang pagtapyas ng DBM sa budget ng Sandiganbayan dahil dumadami rin ang case load nito.
Noong Marso nang mapagdesisyunan ng Sandiganbayan na ibasura ang P267 million ill-gotten wealth case laban kat dating President Ferdinand Marcos, asawa nito na si Imelda at buong pamilya.










