-- Advertisements --

Dumepensa ang opposition councilors ng San Juan City government matapos ireklamo ng hindi umano pagdalo sa special session na ipinatawag ni Mayor Francis Zamora.

Sa isang panayam sinabi ni Councilor Jana Ejercito, maagang dumating ang kanilang hanay sa city hall at nagpaalam ng deferment matapos mabatid na naka-sentro lang sa committee chairmanships ang pinaguusapan ng sesyon.

Wala raw ideya ang opposition councilors na itinuloy pa rin ng konseho ang pagpupulong kahit wala ang kanilang presensya.

Una ng sinabi ni Zamora na nakatakda talaga nilang talakayin sa sesyon kung sino ang hahawak sa appropriations committee ng city government.

Kaugnay nito tiniyak ni Ejercito sa alkalde ang pakikipagtulungan ng oposisyon sa ano mang programa ng lokal na pamahalaan.

Hinamon naman ng konsehala si Zamora na magpakatotoo at huwag umanong baliktarin ang nangyari sa sesyon.

Kilalang political rivals ang pamilya Ejercito at Zamora sa San Juan City.