-- Advertisements --

Pinuna ng grupo ng mga trabahado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang pahayag ng ilang mga business group na dapat tuluyan na silang isara.

Ayon kay Pinoy sa POGO officer Karen Santa Cruz, na isang anti-poor ang pahayag ng mga business group sa panukalang dapat sila ay permanenteng ipasara.

Nasasabi kasi aniya ng mga negosyante ang pahayag dahil sa hindi nila nararanasan ang magutom o mawalan ng pera para may ipang-aral sa kanilang mga anak.

Magugunitang sinabi ng Foundation for Economic Freedom (FEF), Makati Business Club (MBC), at Management Association of the Philippines (MAP) na makakabuting ipasara na ang POGO dahil sa nakakasira ito sa imahe ng bansa bunsod ng mga laganap na iligal na aktibidad doon.