-- Advertisements --

Naniniwala si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na mas maraming buhay ang maiwasang malagay sa peligro kasunod nang paglalagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic No. 11467 o batas na nagpapataw ng karagdagang buwis para sa mga nakalalasing na inumin at e-cigarettes.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Salceda kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil magbibigay din ang batas na ito ng supplementary funding para sa universal healthcare program ng pamahalaan.

Ayon kay Salceda, iniuugnay ng mga eksperto ang alcoholism sa 40 sakit kabilang na ang liver cirrhosis, cancer, pancreatic disease, hypertensive disease, tuberculosis, diabetes, at mental diseases.

Bukod dito, base rin sa mga pag-aaral, 10,372 na aksidente sa daan kada taon ang naitatala na nag-ugat sa kalasingan.

“Based on anecdotal evidence from the PGH, the number is probably bigger, as they claim that about 50 percent of all vehicular accident cases that they treat have some alcohol involved,” ani Salceda.

Ikinatuwa rin ni Salceda ang pagtaas ng excise tax sa mga e-cigarettes.

“Precautionary principle dictates that we should have taxed it higher and regulated it more closely the first time we taxed it because it was a new product with little clinical examination. As soon as I became Chair, I moved to correct the problem. I’m glad President Duterte fully agrees,” dagdag pa nito.