-- Advertisements --

Muling nanindigan si House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda ang pagtutol nito sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa.

Inihayag ni Salceda, batay sa datos aabot sa P8 Billion na halaga ng buwis ang posibleng mawala sa Pilipinas sa sandaling tuluyan ng ipagbawal ang POGO.

Ito ay bukod pa sa P192 billion gross value added loss sa real estate, labor, ancillary cost at iba pang kaugnay na serbisyo at industriya sa pagpapatakbo ng POGO.

Binigyang-diin ng mambabatas na walang legal na basehan ang diskriminasyon sa POGO industry dahil lamang sa violation ng ibang negosyo.

Sinabi ng House tax chief na hindi siya pabor na tuluyan ng i-ban o i-phase out ang POGO sa bansa.

Aniya, ang mga kaso na kinasasangkutan ng POGO ay yuong mga iligal na nag-ooperate sa bansa.

Sa kabilang dako, inirekumenda naman ni Senate Ways and Means Committee Chair Sherwin Gatchalian, na nais nito ang agarang pagpapatigil sa operasyon ng POGO sa Pilipinas.

Habang si Sen. Ronald Dela Rosa na chair ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay nais gawing ‘by phase’ o unti-unti ang pagpapatigil sa mga POGO.

Sa kabilang dako, ilang mga mambabatas din ang tutol na ipagpatuloy ang operasyon ng POGO sa bansa.