Suportado ng Safe Schools Philippines (SSP) ang Senate Bill No. 2805 na layong amyendahan ang charter ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na layon mas maprotektahan ang mga bata mula sa mga delikadong online content.
Sa ilalim kasi ng panukalang batas, magkakaroon ng kapangyarihan ang MTRCB na irehistro ang mga content provider at video-on-demand streaming platforms, ngunit hindi nito saklaw ang pre-approval ng content. Sa halip, layunin nitong makipagtulungan sa mga streaming companies upang tutukan at i-report ang mga content na posibleng makasama sa kabataan.
Ayon sa inilaban na statement ng SSP ngayong araw ng Linggo, Hunyo 8, mahalaga anila ang hakbang na ito upang maprotektahan ang mga bata mula sa visual violent, malalaswang nilalalman ng isang content, cyberbullying, at iba pang online content.
Nanawagan rin ang grupo para sa pagkakaisa sa pagbibigay ng ligtas at makabuluhang media para sa mga kabataan.
‘Kaylangan nating pagkaisahan ang pagbibigay ng ligtas at makabuluhang media content para sa mga bata. Hindi lang ito tungkol sa entertainment —ito’y tungkol sa kinabukasan ng ating kabataan,’ pahayag ng SSP.
Nagpasalamat ang SSP sa Senado sa pagsusulong ng proteksyon sa kabataan sa gitna ng mabilis na pagbabago sa digital media.