-- Advertisements --

Nababahala ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East na baka madamay sila sa repatriation dahil sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Princess Flores, OFW mula sa Saudi Arabia, sana ay huwag idamay sa paglikas ang mga nasa bansang hindi naman kasali sa kaguluhan.

Katunayan, hindi man lang umano napag-uusapan sa kanilang lugar ang planong pag-alis, at hindi rin ito nababanggit ng kanilang mga amo.

Pero kung ipag-uutos daw ng pamahalaang ng Pilipinas na pauwiin sila, nakahanda naman siya dahil noong isang araw pa siya nakapag-empake ng mga kagamitan.

“Tahimik naman po dito. Pero kung talagang pauuwiin kami, nakaempake na po ako. Ready to go,” wika ni Flores.